Iba talaga ang dating ng karisma ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau dahil sa naging bida ang saya at laking pagkagulat ng ating mga kababayang Filipino sa hindi inaasahang pag daan nito sa isang sikat na fastfood chain na Jollibee sa may North Harbour Branch Manila upang bumili ng one-piece Chickenjoy at one Strawberry Float at nang matapos na bumili ay nakipag halubilo pa sa mga crew at sa mga Filipinong kasalukuyang kumakain dito.

Kapansin-pansin din ang kilos ng mga security detail ni Trudeau na medyo na bigla at taranta sa pagbibigay ng seguridad sa kanya dahil sa hindi inaasahang pagdaan nito sa fastfood chain.

Samantala, bago pa nagtungo sa Jollibee si Trudeau ay nauna muna itong buminisita sa isang women’s clinic sa Tondo na pinopondohan din ng pamahalaan ng Canada.

Si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay dumating sa bansa upang mag attend sa ginaganap na 2017 ASEAN Summit sa Pilipinas.

(Images CTTO)

SHARE