Dahil sa matinding hinagpis at pag-aalala ng mga magulang sa mga batang naturukan ng bakunang Dengvaxia ay nagawa ng ilan sa mga magulang na komprontahin si Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin pagkatapos nitong humarap sa naging pagdinig ng Kamara ukol sa kontrobersiyal na bakuna kontra dengue nitong Lunes.

Habang si Garin ay paalis na sakay ng elevator ay nagawang makalapit upang sugurin ito hanggang sa loob ng elevator ng ilang galit na magulang na may mga anak na nabakunahan ng Dengvaxia.

Samantalang makikita sa video ang ginagawang pag-awat ng ilan sa mga security guard at ng mga kasama ni garin sa mga magulang.

Habang panay nman ang sigaw ng isang nanay na nakasuot ng itim na t-shirt na humihiling ng hustisya matapos maturukan ng Dengvaxia ang kanilang mga anak.

SHARE