ExPulis nakipagbarilan sa kapwa aktibong mga pulis habang papatakas sa isang QCPD checkpoint sa lunsod ng Quezon City.

Ayon sa paunang imbestigasyon, paparating ang isang dark blue na private van sa isang Police checkpoint, hindi ito huminto habang pinapara ng mga kapulisan, bagkos ay dali-dali nitong binilisan ang takbo at sumibat sakay ang dalawang lalaki na ang isa ay napag-alaman na dati palang pulis. Ayon naman sa nakalap na report ay dismiss na ito sa serbisyo.

Image: CTTO

Sakay din nito ang isa pang hindi nakikilalang kasabwat na lalaki, upang maipuslit ang kahon-kahong alak.

Image: CTTO

Sa kasalukuyan ay nakataas ang liquor ban sa buong NCR kabilang na ang lunsod ng Quezon City dahil na rin sa ipinatutupad na Enhance Community Quarantine ECQ dulot ng COVID-19 virus pandemic.

SHARE